Manila, Philippines – Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na baka gamiting `smokescreen` sa Marawi rehabilitation at reconstruction ang hiling na martial law extension sa Mindanao.
Giit ni Zarate, posibleng samantalahin at hindi na isailalim sa bidding ang Marawi rehabilitation na maaaring maging bukas sa katiwalian ang multi-bilyong program.
Ikinakatakot din ni Zarate ang paglobo ng human rights violations tulad ng pagpilit na paaminin ang mga mahuhuli na myembro ng Maute, pagtaas pa ng bilang ng mga nawawala, extra judicial killings, massive looting, massive displacement at kaliwa`t kanang mga pag-aresto.
Sinabi ni Zarate na walang basehan para sa hiling na isang taon pang papapalawig ng martial law sa Mindanao.
Lalo lamang itong magpapahirap sa mga mamamayan ng Mindanao.
Maaari pa itong gamitin laban sa mga kumakalaban sa gobyerno na pwedeng mauwi sa nationwide martial rule.