Ibinulgar ni Senate President Tito Sotto III na posibleng may nagalaw ang house of representatives na P79-billion sa proposed 2019 national budget.
Ito aniya ang nakikita niya base sa report ng Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO).
Sabi ni Sotto – bagama’t posibleng tama ang total na nasa Proposed General Appropriation’s act (GAA), pero sa loob ay may nakialam aniya sa furniture na hindi kasama sa pinag-usapan sa bicam.
Pebrero a-otso pa nang maratipikahan sa kongreso ang 3.7 trillion proposed national budget para sa taong ito pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nadadala kay Pangulong Duterte.
Giit naman ni House Appropriations Committee Chairam Rolando Andaya Jr. – ina-itemize lang ng kamara ang ratified budget at hindi nila ito minamanipula.
Gayunman, tiniyak ni Sotto na hindi nila aaprubahan ang anumang gagawing realignments sa proposed budget.
Aniya, malinaw na paglabag ito sa konstitusyon.
Naipaalam na rin daw ni Sotto kay Pangulong Duterte ang usapin at tiyak na kakausapin sila ng executive department.