Posisyon ng DOJ at BuCor hinggil sa napipintong paglaya ni dating Mayor Antonio Sanchez, pinuri ni Vice President Leni Robredo

Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) at Bureau Of Corrections (BuCor) kaugnay ng napipintong paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, natuwa ang Bise Presidente sa desisyon na hindi payagang mapabilang si Sanchez sa posibleng makalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Aniya, malaking tulong din ang public outrage dahil marami ang tumutol at nagalit sa posibilidad na maagang paglaya ng dating alkalde.


Matatandaang si Sanchez ang itinurong mastermind sa panghahalay at pagpaslang kina Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez, kapwa estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB).

Kasunod nito hinatulan si Sanchez ng pitong counts ng Reclusion Perpetua o 40 taong pagkakakulong noong 1995.

Facebook Comments