Presyo ng Langis, matatapyasan sa Martes!

May aasahang bawas presyo sa mga produktong Petrolyo ang mga motorista, epektibo sa Martes, Agosto 27.

Maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20 ang bawas-presyo sa kada Litro ng Gasolina habang P0.10 hanggang P0.15 naman sa Diesel at Kerosene.

Ang bawas-presyo ay bunsod ng malakas na imbentaryo ng Gasolina at Diesel ng Amerika at paglakas ng Piso kontra Dolyar.


Facebook Comments