Naniniwala din ang Dept. of Interior and Local Govt. na hindi dapat palayain si Dating Calauan Mayor at rape and double murder convict Antonio Sanchez.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, suportado ng ahensiya ang posisyon ng Department of Justice na ang dating alaklde ay hindi karapat-dapat na makamit ang Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Aniya Kailangan niyang panagutan hanggang sa huling minuto ang hatol sa kanya at kapag pinalaya ng maaga magkakaroon umano ng butas ang kasalukuyang Justice System sa bansa.
Paliwanag ng DILG Chief nakapaloob mismo sa GCTA Law na hindi kasama ang mga convicted rapist at murderer na mapalaya ng maaga.
Una nang lumutang na isa si Sanchez sa maraming preso na makikinabang sa ilalim ng mga Probisyon ng Republic Act No. 10592 o GCTA Law.
Ang DILG ang nangangasiwasa sa Bureau of Jail Management and Penology na komokontrol sa lahat ng City, District, at Municipal Jails sa buong bansa.
Ang mga bilanggo o Persons Deprived Of Liberty na nakakulong sa mga pasilidad na pinapatakbo ng BJMP ang makikinabang sa Probisyon ng GCTA Law.