Ipinagmalaki ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III ang gumagandang posisyon ng Pilipinas sa world ranking ng World Health Organization (WHO).
Kaugnay ito sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Duque, pagdating sa case fatality rate o bilang ng mga namamatay, nasa ika-113 ang Pilipinas sa buong mundo at ika-5 sa ASEAN.
Pagdating naman sa mga aktibong kaso ay pang-20 ang Pilipinas at pangatlo sa ASEAN.
Ipinaliwanag naman ni Duque na ang dahilan ng pagiging huli ng Pilipinas ay dahil sa pagsirit o “surge” ng mga numero habang natapos na ang surge sa ibang bansa.
Ang datos ng WHO ay sumasailalim sa community data ng mas maraming mga bansa.
Facebook Comments