Seguridad sa mga mall at tourist destinations ngayong nalalapit na holiday season, babantayang maigi ng bagong PNP Chief

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos na aatasan nito ang mga ground commander na makipag-ugnayan sa mga mall owner at tourist destinations para sa seguridad at kanilang kapasidad.

Kasunod ito ng pagdagsa ng mga tao sa mga mall at iba pang pampublikong lugar ngayong nasa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Ayon kay Carlos, tuloy-tuloy ang pag-iikot ng mga pulis na may dala-dalang megaphone sa matataong lugar para paalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum health protocols.


Aniya, dapat ding paghandaan ng mga business establishments ang pagdagsa ng mga mamimili lalo na sa Metro Manila ngayong holiday season.

Facebook Comments