POSITIBO | Pagkakahalal ng Pilipinas bilang bagong miyembro ng UNHRC, ikinatuwa

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang pagkakahalal ng Pilipinas bilang bagong miyembro ng United Nations Human Rights Council.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagpapakita lamang nito na kinikilala ang Pilipinas bilang bansang kumikilala at gumagalang ng mga karapatang pantao.

Binigyang-diin din ni Secretary Panelo na tama ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na sinabi ni UN Secretary-General António Guterres na ang iligal na droga ay problema ng buong mundo.


Una rito, pinangunahan ni UN permanent representative at incoming Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang delegasyon ng bansa sa isinagawang halalan sa head office ng UN sa New York sa Amerika.

Facebook Comments