POSITIBO | Pangulong Duterte nakipagpulong sa Kuwaiti Ambassador to the Philippines, dalawang bansa nangako ng pagsuporta sa isat-isa

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kuwait Ambassador to the Philippines kagabi para pagusapan ang mga nangyaring operasyon ng Philippine Embassy officials sa Kuwait para mailigtas ang mga distressed OFW’s sa nasabing bansa.

Ayon kay Roque, kasama sa pulong sa Malacañang ay sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Roque na positibo naman ang naging takbo ng nasabing pulong kung saan binigyang diin ng dalawang panig ang suporta sa isa’t-isa.


Pero iginiit aniya ni Pangulong Duterte na gagawin ng Pamahalaan ang lahat para mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino sa Kuwait pero binigyang diin din aniya ni Pangulong Duterte na igagalang ng pamahalaan ang soberenya ng Kuwait sa lahat ng Pagkakataon.

Naniniwala din naman si Roque na dahil sa istilo ni Pangulong Duterte sa pakikipagusap sa Kuwaiti Ambassador ay wala namang mangyayaring pagalis ng mga Kuwaiti diplomat sa bansa.

Facebook Comments