BAGONG PINUNO | Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, Pormal nang umupo na sa pwesto bilang bagong director ng Region 4-A

Calamba, Laguna – Opisyal nang umupo sa kanyang pwesto bilang bagong director ng Region 4-A si dating Quezon City Police District Chief Guillermo Eleazar.

Sa turn over ceremony na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna, sinabi ni Eleazar na ipagpapatuloy pagsisilbi at pagprotekta sa taumbayan partikular sa mga taga CALABARZON.

Aniya Itutuloy nya ang anti-drug operation katulad nang kanyang ginawa sa Quezon City Police District (QCPD).


Irere-activate rin ng opisyal ang Regional Special Operation Group na tututok sa mga high value target.

Tututok din aniya sya sa internal cleansing upang labanan ang mga police scalawags kung kinakailangan aniya magsagawa sila ng entrapment operation ay gagawin nila ito.

Mensahe naman ni Eleazar sa mga kriminal sa CALABARZON na umalis o magbago na dahil hahabulin nya ang mga ito maging ang mga police scalawags

Tiniyak rin ni Eleazar na mabibigyan ng parangal ang mga mabubuti at magagaling na pulis ng PNP CALABARZON.

Pinalitan ni Eleazar si dating Region 4 A Director Ma-O Aplasca na ililipat naman sa Directorate for Operations para punan ang nabakanteng pwesto ng bagong hepe ng National Capital Region Police Office na si Director Camilo Cascolan.

Nagpasalamat naman si Aplasca sa hanay ng PNP CALABARZON dahil suportang ibihigay sa kanya maging kay dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Dahil sa pagkakatalaga naman bilang director ng Directorate for Operations nagpasalamat si Aplasca kay bagong PNP Chief Albayalde.

Pumalit naman kay Eleazar si Chief Superintendent Joselito Esquivel na dating nakatalaga sa Directorate for Intelligence.

Facebook Comments