BAGUIO, PHILIPPINES – Isa sa sampung may kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease o Covid 19 sa syudad ng Baguio, nilantad ang kanyang katauhan para sa proteksyon ng iba at madaliang contact tracing.Siya ay si Joel Junsay, 52 anyos, isang Health Worker sa City Health Services Office, residente ng New Lucban Barangay at walang travel history sa labas ng lungsod at nakaramdam siya ng simptomas ng sakit noong Marso 12.Anya, Suportado niya ang kampanya ng Lokal na Alkalde, Mayor Benjamin Magalong, kung saan mas madaling mag contact tracing kung boluntaryong ilalantad ng mga nagpositibo sa naturang sakit ang kani-kanilang pagkatao.Isa si Junsay sa mga nagpatest gamit ang Huawei Artificial Intelligence CT scan analyzer at dun din ay nakumpirma siya na nahawaan ng naturang sakit.Paalala naman sa mga nagkaroon ng interaksyon sa health worker na si Joel noong March 12 ay magpatest na sa City Health Services Office o kaya sa Baguio General Hospital and Medical Center.iDOL, kilala mo ba si sir Joel?Tags: Luzon, Baguio, iDOL, Joel Junsay, Covid19.
Positibo sa Covid19, Nagpakilala!
Facebook Comments