Manila, Philippines – Tiwala ang World Bank na mapapanatili ng Pilipinas ang matatag at paglago ng ekonomiya nito.
Sa statement ng World Bank, mapapanatili ng bansa ang 6.7 percent gross domestic product growth nito ngayong taon hanggang 2019.
Nakikita rin ng World Bank na tataas ang government consumption habang tataas ang private consumption ng hanggang 5.9 percent ngayong taon at 6.2 percent naman sa susunod na taon.
Sabi ni World Bank Lead Economist for the Philippines Birgit Hansl, kayang maabot ng Pilipinas ang 6.5 hanggang 7.5 percent medium term target pero nakadepende ito sa implementasyon ng investment spending agenda ng gobyerno.
Pero sa kabila nito, nakikita ng World Bank na bababa ang Philippine exports sa mga susunod na taon dahil sa inaasahang pagbagal ng global economic growth.
Base sa June 2018 global economic prospects ng World Bank, mararanasan sa susunod na dalawang taon ang pagbagal ng global economy bunsod ng pagtaas ng presyo ng bilihin, pagbaba ng global demand at mas mahigpit na global financing conditions.