Positibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Nadagdagan pa

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng labing-anim (16) na bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw ng Martes, Enero 12, 2021, mula sa sa 16 new COVID-19 cases, tig-apat (4) ang naitala sa Lungsod ng Ilagan, Cauayan at Santiago; dalawa (2) sa bayan ng Luna at tig-isa (1) sa bayan ng Jones at Tumauini.

Gayunman, gumaling naman sa COVID-19 ang labing tatlo (13) na tinamaan ng virus.


Sa kasalukuyan, tumaas sa 449 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Mula sa 449 na total active cases, tatlo (3) rito ang Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t anim (26) na Healthworker; dalawampu’t siyam (29) na pulis at 391 na Local Transmission.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang contact tracing ng mga kinauukulan sa mga taong direktang nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.

Facebook Comments