Positibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila, patuloy na tumataas

Pumalo na sa 127 ang bilang ng nag-positibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Base sa datos ng Manila Emergency Operations Center, nasa 19 na din ang namatay sa sakit habang 10 naman ang nakarekober.

Sa nasabing bilang ng nag-positibong kaso ng COVID-19, pinakamaraming naitala ay sa area ng Sampaloc na mayroong 36; 17 sa Sta. Ana habang tig-11 sa Sta. Cruz at Tondo District-2.


Nasa 9 naman ang positbong kaso ng COVID-19 sa Pandacan at Malate kung saan 7 sa Tondo District-2 at tig-6 sa Binondo at Ermita.

5 sa Sta. Mesa at Paco; 2 sa Quiapo at tig-iisa sa San Andres, San Miguel at Baseco compound.

Sa kabila nito, patuloy pa din nagsasagawa ng disinfection and misting operations sa Lungsod habang nasa 188,463 food boxes ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan kung saan isang box kada pamilya ang nakatanggap na nito.

Facebook Comments