Positibong pagtanggap ng UNGA sa talumpati ni Pangulong Marcos, may magandang epekto sa mga bilateral at multilateral talks ng pangulo ayon sa isang political analyst

Kontento ang political analyst na si Prof. Ramon Casiple sa naging talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa 77th United Nations General Assembly sa Amerika.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Casiple na dahil sensitibo ang United Nations, maganda ang naging hakbang ng pangulo na sumunod sa tema ng usapin sa “security, climate change, rule of law at food crisis”.

Ayon kay Casiple, na-antig ng Pangulong Marcos ang damdamin ng world leaders kaya maganda ang epekto nito sa mga bilateral at multilateral talks partikular ang pagpupulong nito kay US President Joe Bidden.


Sa pagharap sa world leaders sa high-level general debates, binigyang-diin ng Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan at nanindigan na ang bansa ay ‘friend to all, at an enemy of none.’

Samantala, hindi naman nakikita ni Casiple na posibleng mabago ang foreign policy ng Pilipinas sa naging pahayag ng pangulo sa mga business leaders na hindi nito nakikita ang bansa sa mga susunod na taon na wala ang Amerika bilang ka-partner.

Para kay Casiple, ang pahayag ni Marcos ay isa lang reaffirmation o muling pagpapatibay sa US-Filipinization.

Facebook Comments