Position paper ng PNP kaugnay sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, isinumite na sa tanggapan ng pangulo

Manila, Philippines – Naisumite na rin ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang kanilang position paper kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kanilang rekomendasyon palawigin ang batas militar sa Mindanao.

Ayon kay PNP Chief Dela Rosa nitong nakalipas na Biyernes nila isinumite sa tanggapan ng pangulo ang position paper.

Nakasaad aniya sa position paper na nais nilang mapalawig ang martial law sa Mindanao pero hindi na aniya nila tinukoy kung hanggang kelan ang extension na ito.


Isa aniya sa mabigat na dahilang inilagay nila sa position paper para sa kanilang rekomendasyon extension ay dahil pananatiling at large ng mga narco politician na sumusuporta sa Maute group.

Sa ngayon hihintayin na lamang daw nila ang sagot ng pangulo sa kanilang rekomendasyong extension ng martial law.

 

Facebook Comments