Nanindigan ang Department of Health (DOH) na consistent na ang pagbaba ng mga nai-infect ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula sa 3.2% na positivity rate noong nakaraang Linggo, ngayon ay nasa 2.7% na lamang ito.
Sa National Capital Region (NCR) naman aniya ay 2.6% na lamang ngayon ang mga tinatamaan ng COVID-19 mula sa 2.8% noong nakaraang Linggo.
Sinabi ni Vergeire na maging sa mga rehiyon ay patuloy rin ang pagbaba ng kaso ng infection.
Sa kabila nito, makailang-ulit din ang apela ng DOH sa publiko na sumunod pa rin sa health protocols.
Facebook Comments