Kaso ng Pinay na sinasabing namatay sa suicide sa Kuwait, tinututukan ng DFA

Tinututukan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Kuwait ang kaso ng Pilipina na namatay sa Kuwait.

Kasunod ito ng anggulong suicide ang ikinamatay ng biktima.

Inaabangan na rin ng DFA ang resulta ng forensic examination sa labi ng biktima upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.


Ang naturang Overseas Filipino Worker (OFW) ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kaniyang kwarto sa Al-Salam noong March 14.

Base sa report, sinira pa ng mga pulis ang pinto ng kwarto nito matapos mapansin ng mga kapitbahay na hindi siya lumalabas ng kwarto.

Facebook Comments