Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, patuloy na tumataas

Tumaas sa 14.5% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Batay sa pag-aaral ng OCTA Research, naitala nila ang datos nitong September 14, 2022.

Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA Research, patuloy na tumataas ang positivity rate sa nakalipas na araw kung saan nasa 12.7% lamang ito noong September 7, 2022.


Nabatid na naitala sa 17.5% ang peak ng positivity rate sa NCR noong August 5.

Kaya’t dahil dito, posibleng malagpasan ng kasalukuyang datos ag positivity rate na naitala noong Agosto.

Nitong September 12, naitala ang reproduction number sa Metro Manila ay nasa 1.14 mula sa 1.03 noong September 5.

Ang average daily attack rate naman ay nasa 6.12 sa bawat 100,000 habang ang growth rate ay nasa 18% kumpara sa -4% noong nakaraang linggo.

Facebook Comments