Inaasahang tataas ang kaso ng COVID-19 ngayong linggo dahil sa muling pagbabalik ng testing matapos ang holiday season.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nararanasan na ang post-holiday surge dahil nagbalikan na ang mga testing center na huminto o naglimita ng operasyon nitong Pasko at Bagong Taon.
Aniya, nabawasan ng 50% ang testing ng bansa dahil maraming testing centers ang sarado noong holidays.
Ang kasalukuyang inire-report na cases ay backlog o delayed reported cases noong holiday season.
Tumaas din ang transmission rate ng virus na nasa 1.06.
Ang OCTA Research Group ay maglalabas ng bagong COVID-19 monitoring report ngayong linggo.
Facebook Comments