Post sa social media na magbibigay raw ng pera at bigas ang DSWD sa mga mahihirap, fake news

Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang card program na nagbibigay ng 10 kilong bigas at 5,000 pesos ang ahensiya.

Ang paglilinaw at abisong inilabas ng DSWD, matapos ipakalat ng isang Facebook page ang maling mga impormasyon tungkol sa mga serbisyo at programa ng ahensya.

Nangangamba kasi ang DSWD sa posibilidad na maaring maidulot sa publiko ng fake news na ito na inilabas ng Kapampangan Ku, Byasa Ku Facebook page.


Babala ng ahensya, huwag magpalinlang sa ganitong uri ng mga mga post sa social media upang hindi mabiktima ng scam.

Dahil dito ay hinihikayat ng DSWD ang publiko na bisitahin lamang ang mga official social media page ng kanilang tanggapan at kumpirmahin muna ang anumang kahina-hinalang post.

Facebook Comments