
Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensiyon ng unified vehicular volume reduction program o UVVRP para sa Huwebes Santo at Biyernes Santo o sa Abril 17 at Abril 18, 2025.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, layon nito na magamit ng publiko ang kanilang mga sasakyan pauwi sa mga lalawigan.
Ang MMDA road emergency group naman ay magbibigay ng roadside emergency services tulad ng mga ambulansya at tow trucks na ipupwesto sa strategic locations sa Metropolis.
Maglalagay rin ang MMDA ng Inter-Agency Support Desks malapit sa bus terminals at iba pang transportation hubs.
Ang road emergency personnel naman ng MMDA ang magbibigay ng medical assistance at first aid sa mga mangangailangan sa kalsada.
Facebook Comments