Brazil – Agaw-atensyon sa Ceara, Brazil ang isang poste ng linya ng telepono na nakatayo sa gitna ng kalsada!
Katunayan, viral sa Youtube ang video nito na kuha ng isang brazilian traveler.
Aniya, first time niyang mapadaan sa lugar kaya naman laking gulat niya nang makita ang poste.
Mabuti na nga lang daw, ilang kilometro bago sumapit sa poste ay nabasa nila ang sign board tungkol dito.
Sabi pa ng Brazilian traveler, ito na ang pinaka-weird na bagay na nakita niya sa buong buhay niya.
Facebook Comments