Second straight win, nasungkit ng NLEX kontra Kia

PBA – Naitala ng NLEX Road Warriors ang ikalawang sunod na panalo nito sa 2017 PBA Governors’ Cup.

Sa iskor na 100-93, wagi ang NLEX kontra Kia Picanto.

Nanguna sa panalo ng koponan si Aaron Fuller na kumamada ng 24 points at 19 rebounds habang tig-13 puntos naman sina Carlo Lastimosa at Kevin Alas.


Sa kabila ng magkasunod na panalo, sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na wala pa sila sa posisyon para mag-ambisyon sa semi finals.

Aniya, marami pa silang laro na dapat maipanalo bago isipin ang semis.

Facebook Comments