POT SESSION | 3 personalidad kabilang ang isang miyembro ng PNP-SAF, arestado sa Taguig City

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Taguig PNP ang tatlong personalidad matapos na maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng Pot Session sa Kawayanan, Purok 6, Tuktukan, Taguig City.
Nakilala ang mga suspek naJohn Vincent German 21 anyos residente ng Kakawayanan, Purok 6, Tuktukan, Taguig City; Fernando German 43 anyos residente ng Kakawayanan, Purok 6, Tuktukan, Taguig City; at PO1 Lynn Tubig , 38 anyos active member of PNP-SAF assigned sa Force Support Batallion, Camp Bagong Diwa, Taguig at resident ng 1068 De Borja Compound, Sta Ana Kanan, Pateros.
Narekober sa tatlong naaresto kabilang ang isang pulis ay ang 8pirasong plastic sachet na hinihinalang shabu, mga bala ng 9mm pistol at 3 pirasong replica hand gun, 5 pirasong 12 gauge live ammo, 1pc disposable lighter, 13pcs. Defective cellular phones, 1 pc cellular phone at 2pcs foil strips, at PNP ID.
Napag alaman na bago naaresto ang mga suspek nagresponde ang Barangay Tuktukan kasama ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit sa di umanoy nakawan na nangyatari sa lugar at pagrekober sa nawalang bagay at pag aresto sa suspect sa Kawayanan, Purok 6, Tuktukan, Taguig City. Upon pero pagdating sa lugar napansin ng pulis na isang lalaki may bitbit na baril pero agad na itong tumakbo nang makita ang mga nagrespondeng mga pulis.
Hinabol ang lalaki patungo sa direksyon kung saan nagsasagawa Pot Session ang tatlo kabilang ang isang miyenbro ng PNP SAP.

Facebook Comments