PROVISIONAL SERVICE | LRT line 1 nagsasagawa ng pagkukumpuni

Manila, Philippines – Nagpapatupad ngayon ng ‘provisional service’ ang Light Rail Transit Line1 (LRT-1).

Sa abiso ng LRT-1 Management, kasalukuyang kinukumpuni ang Catenary System o ang kable ng kuryente ng tren malapit sa Central Station.

Dahil dito, ganap na alas-11:54 ng umaga nagpapatupad ng limitadong biyahe ang train line 1 magmula Blumentritt Station hanggang Roosevelt station.


Humingi naman ng despensa sa mga commuters ang pamunuan ng LRT line 1 kasabay ng kanilang pagtiyak na pagbubutihin nila ang kanilang serbisyo sa mga mananakay.

Facebook Comments