Poultry farm na pinagmulan ng bird flu sa San Luis, Pampanga tukoy na ng Department of Agriculture

*San Luis, Pampanga* – Tukoy na ng Dept. of Agriculture kung saang poultry farm nagmula ang bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Pero ang hindi pa malinaw sa ngayon ay kung saan nanggaling ang influenza virus bago makarating sa naturang poultry farm.

Muli namang pinatunayan ni Agriculture Sec. Manny Piñol na ligtas pa rin namang kumain ng poultry products basta’t lutuin lang itong mabuti.


Sabi ni Piñol, galing mismo sa mga apektadong poultry farms ang kinain niyang fried itik, lugaw na may manok at balut.

Kaugnay nito sabi ni Piñol, sa tinatayang 200,000 poultry animals na nasa loob ng isang kilometrong quarantine zone 50,000 na ang naipapapatay.

Sabi pa ng kalihim, babayaran ng gobyerno ang may-ari ng poultry farm ng 80 pesos sa kada papataying manok, itik at iba pang ibon.

Facebook Comments