Poultry Multiplier Farm, Ibinigay sa ISU-San Mariano Campus

Cauayan City, Isabela- Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang P5 milyong pisong halaga ng poultry multiplier farm sa Isabela State University San Mariano Campus sa Sta Filomena, San Mariano, Isabela noong Setyembre 28, 2021.

Ang naturang pondong ipinamahagi ay sa ilalim ng National Livestock Program, Bayanihan Act II.

Ang nasabing proyekto ay mahalaga upang mapanatili ang pagsisikap ng produksyon ng manok at ng rehiyon sa ilalim ng parehong Animal Genetic Improvement Program para sa free-range chicken and Animal Livelihood.


Inaasahan na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mapapalakas ang produksyon ng manok sa Isabela at mga kalapit na lugar na pinagmumulan ng magandang kalidad ng mga sisiw na maaaring tularan ng commercial raisers.

Kasunod nito, ang Lambak ng Cagayan ay matinding tinamaan ng African Swine Fever at inaasahan na ang mga pagsisikap na pinasimulan ng DA RFO sa pagbibigay ng sentinelling at swine repopulation ay magdadala ng malusog sa industriya ng pagbababoy.

Facebook Comments