Poultry products mula Poland, hindi mula papapasukin sa Pilipinas

Pansamantalang ipinagbabawal sa Pilipinas ang pagpasok ng mga wild bird at iba pang poultry products mula Poland kasunod ng kumpirmadong kaso ng bird flu.

Sa ilalim memorandum na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar – hindi muna mag-aangkat ng domestic, wild birds at poultry product mula Poland.

Sakop ng ban ang poultry meat, day-old na mga sisiw, at itlog.


Layunin ng poultry ban na maiwasang makapasok ang bird flu virus sa bansa at makaapekto sa local poultry production.

Facebook Comments