Jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, inaasahang aabot sa higit P150-M ngayong araw

Inaasahang aabot ngayong araw sa 153 million pesos ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Wala kasing nakasungkit ng winning combinations na 01-03-29-41-24-48 nitong Sunday night draw.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma – ang huling jackpot prize ay nasa ₱147,965,181.20.


Apat naman na consolation prize winners ang mag-uuwi ng tig-280,000 pesos matapos magmintis ng isang numero.

Hinimok ng PCSO ang publiko na tangkilikin ang kanilang lotto games dahil ang malaking bulto nito ay napupunta sa charity.

Simula rin ngayong taon, popondohan na rin ng PCSO ang Universal Health Care (UHC).

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ginaganap tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

Facebook Comments