“Power broker” sa Malacañang, binatikos

Binabatikos ngayon ang umano ay “power broker” sa Malacañang na nasa likod ng pag-lobby ng ‘juicy positions’ sa gobyerno.

Sa isang pahayag sa Pasay City, sinasabing nilalakad umano ng isang Noel Prudente ang mga positions sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO).

Una nang hinarang ng ilang miyembro ng screening committee ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga pwesto na gustong makuha ni Prudente.


Si Prudente rin ang itinuturong nagpakalat ng fake news na nagbitiw na sa pwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez.

Matatandaan na noong 2018 ay sinibak sa Bureau of Customs (BOC) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Prudente.

Facebook Comments