Dating Akbayan Party-list Representative Walden Bello, inaresto ng QCPD dahil sa kasong cyber libel

1171

Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si dating Akbayan Party-list Representative at Vice Presidential Candidate Walden Bello.

Ayon kay QCPD Director Remus Medina, may warrant of arrest laban kay Bello dahil sa kasong cyber libel.

Ayon naman kay Laban ng Masa Spokesperson Leomar Doctolero, inaasahan na ni Bello na siya ay aarestuhin.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng QCPD Police Station 8 si Bello.

Una nang sinampahan si Bello ng kasong cyber libel ng dating Information Chief ng Davao City na si Jeffrey Tupas matapos siyang isangkot sa illegal na droga.

Dagdag ni Doctolero, dahil maari namang piyansahan ang kaso, patungo na sa station 8 ang kanilang abogado para asistihan ang dating Anakbayan representative.



Facebook Comments