Power crisis sa Occidental Mindoro, reresolbahin ng NEA sa loob ng 2 buwan

Sisikapin ng National Electrification Administration o NEA na maresolba sa loob ng dalawang buwan ang nararanasang arawang power outages sa Occidental Mindoro.

Ayon kay NEA Administrator Antonio Mariano Almeda, magtutungo sila ngayong araw sa Occidental Mindoro upang tingnan ang sitwasyon ng PSI Powerplant at kung kaya nitong makapagsuplay kaagad ng 6 megawatts na kuryente sa probinsya.

Aniya, sila na mismo ang magrerenta sa nasabing power plant upang tugunan ang kakapusan ng kuryente sa Occidental Mindoro.


Bukod dito, nakapag-isyu na rin aniya ang Department of Energy ng Certificate of Exemption o Emergency Power Supply Agreement (EMSa) na magpapahintulot sa gobyerno na pumasoki sa kontrata sa DMCI para sa karagdagang power supply.

Nakapaloob sa kasunduan ang pagbibigay ng DMCI ng 17 megawatts.

Facebook Comments