Power facilities sa Mindanao, mahigpit na binabantayan ng Dept. of Energy

Manila, Philippines – Tiniyak ng Dept. of Energy ang seguridad sa power facilities sa Mindanao.

Sa harap ito ng pag-okupa ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, nag-convene ang kanilang Inter-Agency Task Force on Securing Energy Facilities (IATFSEF) at humingi sila ng tulong sa AFP para matiyak na secured ang energy facilities sa Mindanao.


Partikular aniyang binabantayan nila ng mahigpit ang Power Plants, Transmission System, Distribution Facilities at Oil depots, hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa mga itinuturing na “vulnerable areas nationwide.”
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments