Bahagya nang naibalik ang serbisyo ng kuryente sa iba pang lugar sa Pampanga kaninang alas 6:00 ng umaga matapos magkaroon ng power interruption kahapon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, naging operational na ang 69kV lines na nag-susupply ng kuryente sa Mexico- Apalit at Mexico- Calumpit.
Ongoing pa rin ang ginagawang line patrol sa bahagi ng Mexico-Sampaloc 69kV line na naghahatid naman ng supply ng kuryente sa industrial costumers.
Hinahanap nito ang dahilan ng power interruption para agarang maipatupad ang restoration works.
Unang naibalik ang supply ng kuryente kagabi sa Mexico- Clark line 1, Mexico- Clark line 2, Mexico-Pelco 1, Mexico-SFELAPCO line 1 at Mexico- AEC line 2.
Bandang hapon kahapon nang bigla na lang nag tripped off ang nabanggit na mga power lines dahil sa malakas na pag-ulan at ihip ng hangin na may kasamang kidlat.
Kabilang sa mga naapektuhang powerlines ay ang PELCO 1, bahagi ng PELCO 2,PELCO 3 ,SFELAPCO,AEC, at PRESCO.