Power Restoration sa mga Lugar na Sakop ng ISELCO II, Naka-All Set Na!

*Cauayan City, Isabela- *Nasa isang daang porsiyento na ang supply ng kuryente sa mga lugar na sakop ng ISELCO II.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay General Manager Dave Solomon Siquian ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation of Electric Cooperatives (PHILFECO), matagumpay na naibalik ang supply ng kuryente sa kanilang mga nasasakupan maliban ang ilang barangay sa bayan ng San Mariano, Isabela na matatapos rin ngayong araw.

Matatapos na rin ngayon ang pagtulong ng Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force mula sa ibat-ibang Electric Cooperatives para sa mabilis na pagpapanumbalik ng supply ng kuryente dito sa Lalawigan ng Isabela matapos ang paghagupit ng bagyong Rosita.


Kaugnay nito ay pinarangalan naman sa Lalawigan ng Cagayan ang PRRD Task Force dahil sa kanilang pagtulong para sa pagsasa-ayos sa mga nasirang poste upang maibalik ang supply ng kuryente.

Malaki naman ang pasasalamat ni GM Siquian sa ibinigay na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, sa mga ahensya, LGU’s at mamamayan na tumulong at sa kooperasyon ng PRRD Task Force.

Kanya ring pinulong kahapon ang lahat ng mga managers at dept managers ng Electric Cooperatives upang pag-usapan ang kanilang iba pang plano para sa pagpapabuti ng kanilang pagbibigay serbisyo.

Humihingi naman ng dispensa si GM Siquian sa kanilang naging pagkukulang subalit pinaalalahanan naman nito ang lahat na gawin ang kanilang mga responsibilidad bilang mga Member-Consumer-owners.

Facebook Comments