Georgia – Libu-libong flights ang bahagyang naparalisa sa tinaguriang world’s busiest airport sa Georgia, USA.
Ito ay matapos na mawalan ng suplay ng kuryente sa Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport.
Ayon sa Georgia Power, resulta ng sunog na sumiklab sa underground electrical facility ang naturang power shortage.
Bukod kasi sa dalawang substation na nagsu-suplay ng kuryente sa paliparan, apektado rin ng sunog ang “redundancy system” na nagsisilbing backup power nito.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog habang mamayang hatinggabi pa inaasahang maibabalik ang buong suplay ng kuryente sa airport.
Facebook Comments