Power shutdown sa 3 Barangay sa Bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas, hanggang mamayang hapon na lang ayon sa NGCP

Sisikapin ng Natiinal Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maibalik na ang supply ng kuryente sa tatlong Barangay sa Bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas.

Pansamantala kasing pinutol ang supply ng kuryente sa Barangay Nangkaan, Barangay Lumanglipa at Barangay Kinalaglagan bilang precautionary measures habang nagbabanta pa ng pagsabog ang bulkang Taal.

Tatagal na lamang hanggang mamayang alas 5 ng hapon ang Power Interruption sa tatlong Barangay alinsunod na rin ang kahilingan ng Lokal na Pamahalaan.


Noong A -21 ng Enero hiniling ni Mataas na kahoy Mayor Janet Ilagan sa BATELEC 2 o Batangas Electric Cooperative na ipatupad muna ang Power Interruption sa tatlong Barangay dahil sa posibeng panganib na idudulot ng Bulkang Taal.

Pinasimulan ang shutdown noong Jan 21 ng hapon na tatagal hanggang ngayong January 23 ng hapon mamaya.

Facebook Comments