Buo ang suporta ni Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian sa plano ng pamahalaan na pag-take over sa Palawan Electric Cooperative o PALECO.
Pahayag ito ni Gatchalian, makaraang magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte ng pag-take over sa PALECO kapag nagpatuloy hanggang sa katapusan ng taon ang nararanasang blackout o pagkawala ng suplay ng kuryente sa Palawan.
Ayon kay Gatchalian, August 2017 pa ay nagsagawa na sya ng dayalogo sa pagitan ng PALECO, iba pang stakeholders at mga apektado ng problema sa suplay ng kuryente sa Palawan.
Diin ni Gatchalian, 2017 pa lang ay palagi nang pinupukpok ang PALECO na solusyunan ang problema sa suplay ng kuryente subalit puro pangako na lang ang naririnig sa kanila at wala pa ring aksyon.
Kaugnay nito ay iginiit ni Gatchalian sa National Electrification Administration (NEA) na kunin na ang kontrol sa PALECO para mapagkalooban ng sapat na suplay ng kurytente ang mga lugar sa Palawan na sakop ng operasyon nito.