Power supply sa ilang lugar sa Cebu, naibalik na

Naibalik na ng Visayan Electric Cooperative ang suplay ng kuryente sa 80 percent ng kanilang customer sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay VECO president at Chief Operating Officer Raul Lucero, bunsod ito ng karagdagang manpower at equipment kaya napabilis ang pagbabalik nito.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang power restoration activities ng VECO sa natitira pang customer.


Matatandaang, sinalanta ang Cebu at iba pang lugar sa bansa ng Bagyong Odette noong Disyembre dahilan para mawala ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments