COVID-19 Reproduction number ng NCR, bumaba sa 1.20 – OCTA

71

Bumaba sa 1.20 ang COVID-19 reproduction number ng National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research.

Sa inilabas na datos ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, mula ito sa 2.95 na naitalang reproduction number noong nakaraang linggo.

Bumaba rin ang weekly growth rate ng Metro Manila sa negative 42 percent.


Ayon kay David, malinaw ito na indikasyon ng downward trajectory sa naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito, kahit bumaba sa 72 ang average daily attack rate (ADAR) sa kada 100,000 katao, sinabi ng OCTA na nasa very high level pa rin ito.

Dahil dito, pinayuhan pa rin ang publiko na mag-ingat at sumunod sa health protocols.



Facebook Comments