Power transmission services sa Nueva Ecija, naibalik na ayon sa NGCP

Balik na ang serbisyo ng elektrisidad sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naibalik nang mas maaga sa target date ang suplay ng kuryente sa Cabanatuan-Soler 69 kilo volt line segment na dapat ay bukas pa matatapos.

Ang lahat ng power transmission services sa buong lalawigan ng Nueva Ecija na sineserbisyuhan ng NEECO 2-Area 2 ay fully-restored na.


Ngayong umaga, ipagpapatuloy naman ang restoration works sa Kaingin-San Luis 69kv line segment na nagseserbisyo sa Aurora Electric Cooperative (AURELCO).

Facebook Comments