Pinaalalahanan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga pasaherong gagamit ng pekeng mga dokumento sa pag-aakalang makalulusot sa mga pantalan.
Sa harap ito ng pag-amin ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago sa Laging Handa public press briefing na may mga nahuhuli pa ring gumagamit ng pekeng travel documents.
Kabilang dito ang mga nagdala ng palsipikadong resulta ng RT-PCR test, vaccination card at certificates gayundin ang travel pass.
Babala ni Santiago sa mga pasahero, pag-aresto at kulong ang aabutin ng mga sangkot na pasahero dahil isang krimen ang pamemeke ng dokumento.
Paalala pa nito, maaabala lamang ang pasahero at lalong hindi na sila makabibiyahe
Facebook Comments