Naka-high alert status na ngayon ang Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa epekto ng Bagyong Aghon.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, dapat sundin ng lahat ng Port Management Offices ang protocols sa “No Sail Zone Policy” na inilabas ng Philippine Coast Guard.
Mahalaga aniyang siguruhin na prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at empleyado ng mga pantalan na apektado ng sama ng panahon.
Mula kaninang umaga, ilang biyahe na ang sinuspinde at pinagbawal din muna ang paglalayag habang hindi pa gumaganda ang sitwasyon ng mga karagatan.
Inabisuhan din ng PPA ang publiko na ipagpaliban muna ang mga hindi naman kinakailangang pagbiyahe sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments