PPA, pinaghahandaan na ang paparating na bagyo

Nakahanda na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa inaasahang pagpasok ng Bagyong Betty ngayong weekend.

Kaugnay nito, tinututukan ni PPA General Manager Jay Santiago ang lahat ng pantalan sa ilalim ng PPA upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero bunsod ng paparating na bagyo sakali man na magdulot ito ng malaking pinsala sa lugar na maaapektuhan.

Ipinag-utos naman ni GM Santiago sa bawat Port Management Office (PMO) sa buong bansa na manatiling nakabantay sa anumang sitwasyon sa kani-kanilang lugar para sa agarang aksyon.


Naghanda na rin ang PMO Zamboanga at Palawan sakaling daanan man ito ng bagyo base sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).

Patuloy naman ang PPA sa pagbibigay ng paalala sa mga pasahero at iba pang anunsiyo 24/7 sa social media hinggil sa mga kanseladong biyahe at sa posibleng “No Sail Policy” na direktiba na ibinibigay ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nananatili rin naka standby ang lahat ng emergency vehicle at medical team ng PPA para sa anumang health emergency at iba pang kailangan ng responde sa lugar.

Facebook Comments