Matapos ang produktibong bilateral meeting at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia ay nagkaroon ng pagkakataon sina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at Prime Minister Anwar Ibrahim na magkwentuhan at magbigayan ng regalo sa Malakanyang.
Binigyan ni Pangulong Marcos si Prime Minister Ibrahim ng Noli Me Tangere, Tercera Edition 1909, na isa sa mga isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ikinalugod ito ng Malaysian leader dahil itinuturing nya itong napakahalagang regalo lalo’t ikinokonsidera niya si Dr. Jose Rizal bilang “precursor to Asian renaissance” o nagpasimula sa pagsilang o pagsusulong ng Asya.
Kasama si First Lady Liza Araneta Marcos ay binigyan naman ni pangulong Marcos ang maybahay ni Prime Minister Ibrahim ng Waling-Waling brass card holder na nilikha ng Cebuano artisans.
Ngayong araw magtatapos ang dalawang araw na pagbisita sa bansa ni prime minister ibrahim kasama si first lady Wan Ismail.
Kaninang umaga ay nag-alay sila ng bulaklak sa bantayog ni Dr Jose Rizal sa Luneta at Alas kwatro mamayang hapon ay inaasahan sya Villamor Airbase para sa kanyang paglabas na sa bansa.
Si Prime Minister Anwar Ibrahim ay ang unang Head of Government ng ibang bansa na bumisita sa Pilipinas sa ilalim ng Marcos Jr. administration.