Hiniling ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Commission on Election (Comelec) na bigyan sila ng kopya ng computer logs kasunod ng delay sa pag-transmit ng mga boto nitong May 13 election.
Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, kailangan nila ang kopya para matukoy ang tunay na dahilan ng delay sa pag-transmit ng data mula sa transparency server ng Comelec.
Nais rin aniya nilang makita ang central server data para maitugma ito sa transparency server data.
Sabi ni Villanueva, sa ngayon ay hindi muna nila ina-access ang transparency server para sa computer log.
Hihintayin muna aniya nilang matapos ang transmission ng lahat ng boto bago tignan ang computer log para hindi makaabala.
Kasabay nito, tiniyak ng PPCRV na isasapubliko nila ang magiging resulta ng kanilang pag-aaral.