PPCRV, kumbinsidong hindi garantiya sa perpektong eleksyon ang pag-alis sa Smartmatic

Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na hindi garantisadong magiging perpekto ang halalan kapag nagpalit ang Comelec ng kumpanyang hahawak sa automated election ng bansa.

 

Ayon kay PPCRV Board member Dr. Arwin Serrano, kahit magkaroon pa ng bagong partner ang Comelec sa automated election, kung hindi naman masosolusyunan ang iba pang problema sa halalan ay tiyak na mauulit ang mga problemang nangyayari kapag eleksyon.

 

Sa kabila nito, sinabi ni Serrano na nais pa rin nilang marinig ang pinal na desisyon dito ng Pangulong Duterte at ng Comelec.


 

Naka-abang din ang PPCRV ss resulta ng forensic investigation ng komisyon sa mga naging problema sa nakalipas na halalan.

Facebook Comments