PPCRV, naglatag na ng mga panuntunan sa pag-cover ng media sa unofficial quick count sa UST

Inilatag na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga panuntunan nito sa pag-cover ng media sa gagawing quick count sa University of Santo Tomas (UST).

Ayon sa PPCRV, magiging limitado lamang ang mga lugar sa campus ng UST na maaaring galawan ng media.

Isasailalim din muna sa antigen test ang mga kagawad ng media bago payagang pumasok sa arena sa ikalawang palapag ng Quadricentennial Pavilion ng UST.


Bawal din ang pagsasagawa ng ambush interview ng media sa loob ng command center.

Sa halip, sa labas lamang ng arena papayagan ang ambush interview.

May inilaan ding lugar para sa bisitang foreign diplomats at mga kinatawan ng political parties.

Facebook Comments