Turista mula sa Finland na nagpositibo sa BA.2.12, walang nahawaan sa bansa

115

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na walang nahawaan sa closed contact ang turistang mula Finland na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang resulta ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng Finnish na nagpositibo sa BA.2.12 subvariant ng Omicron.

Anim sa closed contacts ang negatibo sa pagsusuri habang hindi na sumalang sa testing ang iba pa.


Sa 30 naman na contacts sa eroplano, tatlo ang nakabalik na rin sa kani-kanilang mga bansa.

Sinabi naman ng DOH na tuloy ang beripikasyon at update na ginagawa nila hinggil sa unang kaso ng BA.2.12 Omicron subvariant sa bansa.

Facebook Comments